Ni: Antonio L. Colina IV

Handa ang Davao City Social Services and Development Office (CSSDO) na magkaloob ng livelihood at self-employment assistance sa mga bakwit ng Marawi na sa Davao ngayon naninirahan.

Sinabi ni CSSDO Head Maria Luisa Bermudo sa isang interbyu kahapon na kinakailangan pa nilang i-update ang listahan ng Meranaw evacuees upang malaman kung sino sa kanila ang pinili nang pumirme sa siyudad.

Umaabot sa 479 na pamilyang Meranaw ang nakatira sa iba’t ibang lugar sa siyudad, sa Toril, Calinan, Poblacion at Buhangin Districts, ayon kay Bermudo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Idinagdag niya na magkakaloob sila ng livelihood support para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa Marawi kung nangangailangan sila ng tulong upang masustentuhan ang mga pangunahing pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.

Sinabi niya na maaari silang magkaloob ng maliit na puhunan na walang anumang tubo upang makapagsimula ng maliit na mapagkakakitaan, tulad ng home-based business.

“While they are here in Davao City, we will provide whatever assistance we can provide. As long as they need it, as long as they are here. There also non-government organizations (NGOs) who provide them assistance,” sabi niya.

Idinagdag ni Bermudo na ang pamahalaan ng siyudad ay nagkakaloob ng pagkain at medical assistance sa mga bakwit ng Marawi simula nang tumakas sila sa kani-kanilang tahanan sa Marawi noong Mayo 23 dahil sa labanan ng mga sundalo at Islamic State-inspired Maute Group na tumagal ng halos limang buwan.