Ni: Anna Liza Villas-Alavaren

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), may mga araw at oras na isasara ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard at ibang pang mga lugar sa katimugan ng Kamaynilaan habang isinasagawa ang Association of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na inaasahang dadaluhan ng foreign leaders.

Sa inilabas na advisory, sinabi ng MMDA na ang SMX Convention Center sa Pasay City ay isasara simula 10:00 ng gabi sa Nobyembre 11 hanggang kinabukasan.

Sa Nobyembre 12, ang buong complex ng Cultural Center of the Philippines ay isasara sa mga motorista at pedestrians.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa Nobyembre 13, ang Roxas Boulevard mula Buendia hanggang P. Burgos ay isasara simula 12:01 ng umaga hanggang tanghali.

Ang mga motorista ay pinapayuhang umiwas sa naturang mga lugar at dumaan sa mga alternatibong ruta.

Sa kasagsagan ng ASEAN Summit and Related Meetings sa Nobyembre 11-15, lahat ng truck at closed van ay hindi pahihintulutang bumiyahe sa SCTEX, NLEX, mula Clark hanggang Balintawak at sa EDSA mula sa Balintawak hanggang Magallanes.

Sinabi ng MMDA na walang isasarang kalsada pero maaaring magkaroon ng traffic disruptions sa mga kalsadang dadaanan ng mga delegado.

Ang mga ito ay ang Clark Complex sa Pampanga; SCTEX mula Clark hanggang NLEX; NLEX (SCTEX hanggang Balintawak); EDSA mula Balintawak hanggang Magallanes; Diokno mula Entertainment City hanggang Buendia; Ayala Avenue mula EDSA hanggang Makati Avenue; Makati Avenue (Ayala hanggang Pasay Road); Pasay Road mula EDSA hanggang Amorsolo; Lawton mula 5th Avenue hanggang 30th Avenue; at McKinley Road mula EDSA hanggang 15th Avenue.

Sinabi ng MMDA na ipatutupad ang modified stop-and-go traffic schemes sa mga rutang dadaanan ng convoy. Sa naturang scheme, ang mga sasakyan ng mga delegado ng ASEAN Summit at ang kanilang convoy ay bibigyang prioridad.