Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Philippine Arena)

7 n.g. -- Meralco vs. Ginebra

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

(Best-of-Seven; Kings, 3-2)

Game 1: 102-87 (Kings)

Game 2: 86-76 (Kings)

Game 3: 94-81 (Bolts)

Game 4: 85-83 (Bolts)

Game 5: 85-74 (Kings)

PBA Gov’s Cup, ipuputong sa Kings; Bolts, asam ang ‘do-or-die’.

NAIPADALA na ang imbitasyon at naghihintay na sa hapag-kainan ang pagsasaluhan ng barangay.

Naghihintay ang bagong kasaysayan sa crowd-favorite Ginebra Kings at sa harap nang ka-barangay sa 55,000-seater Philippine Arena, inaasahang dadagundong ang hiwayan ng ‘Ginebra, Ginebra, Ginebra’. Iyan ang kung walang magagawang bago ang Meralco Bolts para pigilin – kahit pansamantala ang selebrasyon para sa bagong korona ng Kings.

Meralco's Allen Durham gestures after he scores during the PBA Governors' Cup Finals Game 5 against Ginebra at Philippine Arena in Bocaue, Bulacan, October 22, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
Meralco's Allen Durham gestures after he scores during the PBA Governors' Cup Finals Game 5 against Ginebra at Philippine Arena in Bocaue, Bulacan, October 22, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Ganap na 7:00 ng gabi, muling papagitna ang Kings at Bolts sa krusyal na Game 6 ng kaniang best-of-seven titular showdown.

Tangan ng Kings ang 3-2 bentahe matapos kunin ang panalo sa Game Five, 85-74, nitong Linggo sa itinuturing pinakamalaking arena sa Asia.

“Itotodo na na namin,” pahayag ni Ginebra point guard LA Tenorio.

“Same ang sitwasyon, para last year, pero pipilitin namin na tapusin ngayon,’ aniya.

Nasa parehong katayuan ang serye, ngunit taliwas sa nakalipas na taon, dominante ang Kings nang kunin ang 2-0 bentahe.

“Last year 1-2 kami, naghabol, at sinuwerte sa Game 6,” sambit ni Scottie Thompson, patungkol sa buzzer-beating three-pointer in import Justine Brownlee na nagbigay sa Kings ng kampeonato sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon.

“It’s sweeter the second time around ika nga!” aniya.

Pinangunahan ni import Justine Brownlee ang ratsada ng Kings sa Game Five sa naitarak na 20 puntos.

Ngunit, naging prominente ang suportang nakuha nya sa mga locals na sina Greg Slaughter at LA Tenorio na kapwa nag -ambag ng tig-17 puntos gayundin kay Joe Deviance na nagdagdag ng 10-puntos kumpara sa naging produksiyon ng Bolts na nakakuha lamang ng malaking ambag mula kina import Allen Durham at Reynel Hugnatan na tumapos na may 27 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Kaya naman inaasahan ni coach Norman Black ng Bolts na makapagbibigay ng kontribusyom ang iba pang reliable partikular sina Chris Newsome at Baser Amer na hindi gaanong naramdaman noong Game 5.

“When we get contributions from the bench it definitely helps us a lot. So it really helps us for Anjo (Caramel) and (Garvo) Lanete to come off the bench to contribute and help us,” ani Black, “I hope they can do it again on Wednesday but I hope we also can get better contributions from Baser and Chris Newsome.”

“And I hope we can stay out of foul trouble,” aniya.

Ang naturang pagbawi mula sa ilang key players ng Bolts ay inaasahan na rin ng Kings kung kaya naman sisikapin nilang paghandaan ito.