Ni Ernest Hernandez

HINDI nakapagtataka na halos buong serye ng Ginebra-Meralco title series ay naroon si basketball living legend Robert “Sonny” Jaworski.Ang dating Senator at isa sa pinakakilalang Pinoy sports icon ang itinututing ama ng “Never Say Die” movement sa PBA.At sa pagkakataong ito, kabilang ang tinaguriang ‘Jawo’ sa 36,445 crowd na dumagsa sa Philippine Arena sa Game 5 ng 2017 PBA Governor’s Cup best-of-seven Finals.

jawo copy copy

Tulad ng dalangin ng nakararami, tila nabunutan ng tinik ang pamosong ‘The Big J’ sa 85-74 panalo ng Ginebra na naglapit sa kanila sa katuparan ng pangarap na muling maging kampeon.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ngunit, para kay Jaworski, hindi pa niya nakikita sa Kings ang buong potensyal ng kanilang lakas sa serye.

“They can do more,” pahayag ni Jaworski.

“Actually, they made so many mistakes but if they put their game together it is going to work for them more,” aniya.

Sa lakas at determinasyon ng Bolts, sinabi ni Jaworski na hindi masisiguro ang kampeonato sa Game 6 kung hindi magagawan ng paraan ng Kings na mabawasan ang kamalian sa laro.

“I hope that happens. But if they want it they can do it. It is just playing together and giving more than they have,” pahayag ng PBA legend.