Ni: Bella Gamotea

Pinaniniwalaang matinding depression ang nag-udyok sa isang estudyante upang wakasan ang sariling buhay, sa ikalawa nitong pagtatangka, matapos na magbigti sa loob ng kanyang bahay sa Pasay City, nitong Lunes.

Kinilala ang biktimang si John Billy Fernandez y Matias, 20, binata, ng Barangay 183, Villamor.

Sa ulat sa Southern Police District (SPD), nagbigti ang binata sa hagdanan ng kanilang bahay dakong 11:00 ng umaga.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Gayun na lamang ang pagkagimbal ni Rose Fernandez, 73, nang madiskubre ang nakabigting apo, kaya kaagad siyang nagpasaklolo sa dalawang tiyuhin ni John Billy upang kalagan ito sa pagkakabigti, pero wala na itong buhay.

Sa pahayag sa pulisya ni Lola Rose, ito na ang ikalawang beses na nagpakamatay ang kanyang apo, na nitong Setyembre 23 ay uminom ng asido pero kaagad na nadala sa ospital.

Sa suicide note na nakita sa Facebook Messenger ni John Billy, nakasaad na ang pagpapatiwakal nito sa ikalawang pagkakataon ay dulot ng depression matapos nitong makahiwalay ang karelasyon nitong Setyembre 30.