Ni KIER EDISON C. BELLEZA

CEBU CITY – Inihayag ni Pangulong Duterte na sa pagbabalik niya sa Maynila ay na idedeklara niyang holiday ang Oktubre 26, Huwebes, sa Cebu, bilang pagbibigay-pugay sa yumaong Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.

President Rodrigo Roa Duterte pays his last respects to the late former Archbishop of Cebu Ricardo Vidal during the President's visit to the wake at the Cebu Metropolitan Cathedral on October 23, 2017. RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO
President Rodrigo Roa Duterte pays his last respects to the late former Archbishop of Cebu Ricardo Vidal during the President's visit to the wake at the Cebu Metropolitan Cathedral on October 23, 2017. RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO

Inihayag ni Duterte ang salaysay nang bumisita siya sa Cebu Metropolitan Cathedral nitong Linggo, para magbigay-pugay kay Vidal.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang yumaong Archbishop ay ililibing sa musoleo katabi ng cathedral sa Huwebes ng umaga.

Dumating si Duterte sa mother parish ng Cebu Archdiocese dakong 12:04 ng umaga kahapon, kung saan sinalubong siya ni Cebu Archbishop Jose Palma at ng iba pang lokal na opisyal ng simbahan.

Umaupo siya katabi si Palma at ang nakababatanag kapatid ni Vidal na si Juanito Vidal.

Naglahad ng maikling talumpati si Duterte sa harap ng mga lokal na pinuno ng simabahan at sa mga taong ilang oras nang naghihintay sa kanya.

Pinasalamatan naman ni Palma si Duterte sa paglalaan ng oras na makabisita sa burol ng cardinal sa kabila ng abala nitong schedule.

Lumipad ang Pangulo patungong Cebu nang walang abiso makaraang dumalo sa pagtatapos ng MassKara Festival bilang guest honor sa Bacolod public plaza, kung saan ginanap ang dance competition.

Nanatili siya ng 20 minuto sa burol at umalis sa cathedral bandang 12:32 ng umaga dahil nakatakda siyang bumiyahe pabalik ng Maynila mula sa Mactan.

Inihayag ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Diño na kaklaruhin niya at aalamin ang mga detalye hinggil sa nasabing deklarasyon ng Pangulo, at inaaasahan nila ang Executive Order na posibleng lagdaan ngayong Martes.

Biyernes ng hapon nang nagpadala si Diño ng formal request sa Malacañang, na nagrerekomenda ng deklarasyon ng Oktubre 26 bilang holiday sa Cebu.

Ang huling araw ng burol ni Vidal ay bago maghatinggabi sa Miyekules.

“On the first hour of Thursday, the Cebu Metropolitan Cathedral will be closed since we are scheduled to clean up the parish and organize everything for Cardinal’s burial. We will reopen it to admit the public only in the morning at 7:00 a.m.,” lahad ni Cebu Archdiocese Msgr. Joseph Tan sa naunang pahayag.

Sa Oktubre 26, Huwebes, hindi inaanyayahan ang publiko na magdala ng mga backpack at iba pang bag sa pagdalo sa funeral mass, dakong 9:00 umaga, upang hindi maabala ang ipatutupad na security inspection.