ni Kate Louise B. Javier

Nauwi sa patayan ang pikunan sa inuman makaraang mapatay ang isang lalaki nang hatawin siya sa ulo ng 15-kilong improvised barbell ng kanyang katrabaho sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay PO1 Gianvincenni Laguitao, napatay ni Allan Besana si Dominador Dizon, kapwa contruction worker.

Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo sina Dizon at Besana habang nag-iinuman sa loob ng construction site sa Bern Street, Vista Verde Subdivision sa Barangay 167, Caloocan, bandang 11:30 ng gabi.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Nauwi umano sa suntukan ang away ng dalawa, ayon sa pulisya.

Gayunman, sinabi sa pulisya ng saksi na bigla na lamang nakadampot ng 15-kilong improvised barbell si Besana at tatlong beses na inihataw ito sa ulo ni Dizon.

Kaagad namang tumakas si Besana at pinaghahanap na ngayon, ayon sa police report.

Dinala naman sa Acebedo General Hospital si Dizon, na idineklarang dead on arrival.

Kate Louise B. Javier