Ni: Nitz Miralles
MAGANDA ang sagot ni Maxine Medina nang tanungin ng press people sa presscon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted kung hindi ba siya na-o-offend kapag tinatawag siyang “Female Coco Martin” dahil hawig daw siya sa aktor.
“Matagal ko nang narinig na female version daw ako ni Coco at okay lang sa akin, okay na okay dahil bukod sa guwapo siya, sikat at magaling pang aktor. Magrereklamo pa ba ako? May in-offer nga sa akin na project kasama si Coco, hindi lang namin natanggap (ng management niya) dahil hindi nagtugma ang schedule namin. In the future, ‘pag may dumating pang offer na makakasama ko si Coco, tatanggapin ko,” sagot ni Maxine.
Hindi binanggit ni Maxine kung anong project ni Coco ang in-offer sa kanya at huwag na rin nating kalkalin at baka magkaisyu pa sila ni Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon. ‘Yun ay kung ang Ang Panday nga ang ini-offer sa kanya.
May mga nagtanong kay Maxine kung bakit horror movie ang first film niya dahil in-expect na love story o kaya’y rom-com. Aniya, maganda ang story ng Spirit of the Glass 2, maraming madidiskubre ang manonood ‘pag ipinalabas na starting November 1.
It also gives her a chance to work with Direk Joey Reyes at ang buong cast. Na-test din sa pelikula ng OctoArts Films at T-Rex Entertainment ang fear factor niya na bonggang-bongga niyang nailabas sa mga eksena. Sa October 29 ang celebrity screening ng Spirit of the Glass 2 at Oct. 30 ang premiere night, pareho sa SM Megamall. May gimik ang OctoArts Films para mas masaya ang premiere night.