Ni: Light A. Nolasco

GUIMBA, Nueva Ecija - Dahil sa labis na kalasingan ay nalunod at tuluyang nasawi ang isang 50-anyos na biyudo na nagtangkang tumawid sa ilog sa Barangay Caingin sa Guimba, Nueva Ecija.

Sa ulat na ipinarating ng Guimba Police kay Nueva Ecija Police Provincial Office officer-in-charge Senior Supt. Eliseo Tanding, nakilala ang nasawi na si Juanito Briones Reofrir, 50, ng Purok 2, Bgy. Tabing-Ilog sa Licab.

Nabatid na dakong 5:00 ng hapon nitong Martes nang dinalaw ni Reofrir ang ilang kaibigan sa Guimba para makipag-inuman.

Probinsya

₱100k pabuya, ikinasa para sa hustisya ng 3 goat dealer na pinatay sa Maguindanao

Huwebes ng umaga nang iulat ng Licab Police na natagpuan ang bangkay ni Reofrir habang lumulutang sa ilog sa hangganan ng Licab at Guimba.