Ni: Genalyn D. Kabiling

Nagbabala si Pangulong Duterte sa mga negosyante sa bansa laban sa hindi pagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Ayon sa Presidente, walang problema sa kanya kung ma-delay ang bayad sa buwis ng mga negosyante, pero ang hindi niya kukunsintihin ay ang hindi pagbabayad ng mga ito ng buwis.

“And if there’s anything that you want me to do to improve business and earn more and pay more fully, do not cheat me on the taxes,” sinabi ni Duterte sa business forum na idinaos sa Manila Hotel nitong Huwebes ng gabi.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“It’s okay if you’re delayed. You have...Sometimes the momentum if it goes up, you go down,” aniya.

Sinabihan din ni Duterte ang mga negosyanteng hindi kaagad makapagbabayad ng buwis na makipag-ugnayan kay Finance Secretary Carlos Dominguez.

“If you are hard up, just ask Sonny Dominguez. He’s a very reasonable man,” anang Pangulo.

Ito ang sinabi ng Presidente matapos siyang mangakong ipagpapatuloy ang pagpupursige laban sa krimen, ilegal na droga, at kurapsiyon sa pagtitipon ng mga negosyante sa bansa.