Ni: Mary Ann Santiago

Nalunod ang isang lasing na vendor makaraang mahulog sa creek habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Patay na nang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Eduardo Adan, 58, ng 733 Benita Street, Tondo.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Ruiz, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), naganap ang aksidente sa Kabulusan Creek, na matatagpuan sa Laong Nasa St., Tondo, bandang 5:30 ng hapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakaupo umano ang biktima sa gilid ng creek at nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan nang mawalan ng balanse at nahulog at tuluyang nalunod.