Ni: Kier Edison C. Belleza

CEBU CITY – Ililibing si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal sa mausoleum ng Cebu Metropolitan Cathedral (CMC), kung saan nakahimlay ang kanyang mga kamag-anak, sa Huwebes, Oktubre 26.

Hanggang ngayon (Biyernes) na lamang may pagkakataon ang publiko na masilayan ang labi ni Vidal sa cathedral dahil ililipat na ito bukas sa Archdiocesan Shrine of Pedro Calungsod sa Archbishop’s Palace compound sa D. Jakosalem Street, Cebu City.

Oktubre 21, 2012 nang opisyal na naging santo si San Pedro Calungsod.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunman, muling ibabalik ang labi ni Vidal sa mother parish ng Archdiocese of Cebu, kung saan magdadaos ng misa, sa Sabado, dakong 8:00 ng gabi.

Ayon kay Msgr. Ruben Labajo, team moderator ng CMC, may pagkakataon ang mga Katoliko na bigyan ng huling respeto ang “prince of the Catholic church” dahil ang CMC ay mananatiling bukas sa loob ng 24 oras sa Huwebes at Biyernes, Oktubre 19 at 20.

“His body is placed at the left side of the church, in front of the altar of St. Vitalis, the patron of the cathedral,” sabi ni Labajo.

Dumating ang labi ni Vidal sa CMC bandang 4:00 ng hapon nitong Miyerkules.