Nina MARY ANN SANTIAGO, KIER EDISON C. BELLEZA at BETH CAMIA

Pumanaw na si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal, ang pinakamatandang cardinal ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas, sa edad na 86-anyos.

Cebuanos expressed their devotion during the feast of Our Lady of Mount carmel by praying and wiping off with handkerchiefs the Holy Image in the Mt Carmel Church- Carmelite monastery in Mabolo, Cebu City. Cardinal Ricardo Vidal offciated the Holy Mass of the liturgical feast of Our Lady of Mount Carmel on July 16, 2016. (photo by: Juan Carlo de vela) mbnewspictures / mbnewspix
Cebuanos expressed their devotion during the feast of Our Lady of Mount carmel by praying and wiping off with handkerchiefs the Holy Image in the Mt Carmel Church- Carmelite monastery in Mabolo, Cebu City. Cardinal Ricardo Vidal offciated the Holy Mass of the liturgical feast of Our Lady of Mount Carmel on July 16, 2016. (photo by: Juan Carlo de vela) mbnewspictures / mbnewspix

Ayon kay Cebu Archdiocese spokesman Monsignor Joseph Tan, binawian ng buhay si Vidal dakong 7:00 ng umaga kahapon habang nasa Intensive Care Unit ng Perpetual Succour Hospital, Cebu City, dahil sa impeksiyon na nagdulot ng ‘septic shock.’

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“With great sadness, I announce the death of Cardinal Vidal. What we are asking now from the public is to pray for Vidal’s eternal repose,” pahayag niTan.

“I suppose there was already a risk that his heart would give up due to his age and also because of infections. The doctor’s last update was that he was in stable condition but maybe, time has really come that he has returned to the Father’s home,” ani Tan, kaugnay sa dahilan ng pagpanaw ng Cardinal.

Ibuburol si Vidal sa Cebu Metropolitan Cathedral ngunit wala pang petsa kung kailan ito ihahatid sa kanyang huling hantungan. “No concrete plans have been disclosed yet,” ani Tan.

Oktubre 11 nang isugod si Vidal sa pagamutan matapos makaranas ng hirap sa paghinga. Pagdating sa pagamutan ay nag-collapse ang Cardinal at naging semi-comatose ngunit nagising noong Oktubre 13 at bahagyang bumuti ang kalagayan.

Ayon kay Dr. Rene Bullecer, sepsis o impeksyon sa dugo ang nakita nilang dumapong sakit sa Cardinal.

Labis naman ang pagluluksa ng buong Simbahang Katoliko at ng mga Pinoy sa bansa dahil sa pagpanaw ni Vidal.

Napasugod sa ospital si Cebu Archbishop Jose Palma at mga pari ng Archdiocese ng Cebu nang malaman ang malungkot na balita, para magbigay ang kanilang huling respeto kay Vidal.

Ayon kay CBCP president Archbishop Socrates Villegas, ng Lingayen-Dagupan, mananatiling buhay ang legacy ng Cardinal sa kabila ng kanyang pagpanaw.

“Cardinal Vidal cannot die...His wisdom and his humility, his love for priests and his devotion to the Virgin Mary must live on in us whom he has left behind,” ani Villegas.

Pinuri ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo si Vidal sa pagiging “true servant-leader”.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang Malacañang. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella malaki ang naging papel ni Vidal para sa mga mananampalataya at marapat na ito ay kanilang pasalamatan.

Ikinuwento rin ni Abella na maganda ang relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at Cardinal Vidal, na isa sa unang humarap sa Pangulo nang manalo ito sa halalan at nangakong ipagdasal siya Duterte at ang kanyang administrasyon.

Si Vidal, tubong Mogpog, Marinduque, ay naordinahan bilang pari noong 1956. Itinalaga siya ni Pope John Paul II bilang Cardinal noong 1982. Nagretiro siya noong 2011, matapos ang 29-taong pagsisilbi sa Archdiocese of Cebu.