Ni LEONEL M. ABASOLA

Sa detention center ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA) mananatili si Arvin Balag, na pinaniniwalaang pinuno ng Aegis Juris Fraternity ng University of Santo Tomas (UST) College of Law, matapos siyang i-cite for contempt ng mga senador sa pagpapatuloy ng pagdinig sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Patuloy na umiwas si Balag sa tanong ni Senador Grace Poe na kung siya ang pinuno ng naturang law fraternity dahilan upang maghain ng contempt si Poe.

Agad itong inayunan ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng senate committee on public order, at nagpasyang sa OSAA muna ikulong si Balag.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Lumabas din na may naganap na cover-up sa pagkamatay ni Castillo, base sa palitan ng text messages ng grupo at ng senior members nito.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director Chief/Supt. Joel Coronel, nakuha nila ang kopya ng mga text message at lumalabas na may tangkang cover-up sa insidente.

“In the light of the discovery of these messages, it appears that from Sunday, September 17, the objective of the Aegis Juris fraternity is to cover-up, to conceal, to avoid and evade the prosecution of this case,” ani Coronel.