DOHA (AFP) – Sinabi ng isang kotrobersiyal na miyembro ng Qatar royal family nitong Sabado na ipina-freeze ng Qatari authorities ang kanyang mga bank account dahil sa kanyang papel sa krisis ng Doha sa mga katabing bansa.

"The Qatari regime has honoured me by freezing all my bank accounts," tweet ni Sheikh Abdullah bin Ali Al-Thani.

Pinutol ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Bahrain at Egypt ang kanilang relasyon sa Qatar noong Hunyo 5 dahil sa diumano’y pagsuporta sa extremism, mga alegasyon na itinanggi ng Doha.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo