Ni: Genalyn D. Kabiling

Mas maraming terror attack ang maaaring maganap sa bansa ngunit nakahanda rito ang gobyerno, babala ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes.

Inamin ni Pangulong Duterte na magiging “long-haul” fight ang laban sa terorismo dahil sa kalabuan nitong matuldukan sa lalong madaling panahon.

“Terrorism will not disappear. We anticipate another assault maybe this time two or three places in the Philippines but we are prepared,” sinabi niya sa kanyang pagbisita sa Dumaguete City nitong Biyernes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We are not ill-prepared but we are prepared and it’s gonna be a long-haul for all of us,” dagdag niya.

Sa kabila ng pagkilos ng tropa ng gobyerno upang mapalaya ang Marawi City mula sa teroristang Maute, nagbabala kamakailan ang Pangulo na hindi mawawala ang IS-inspired terrorism sa susunod na pito hanggang 10 taon. Sinabihan niya ang militar na maghanda sa posibleng pag-atake ng mga terorista sa Zamboanga, Basilan, Isabela at iba pa.

Samantala, muling ipinahayag ng Pangulo ang planong pagbuo ng “strong” military at police upang labanan ang banta ng terorismo.

Sinabi niya na sa terorismo na isinasagawa ng Islamic State tanging mga inosente lamang ang namamatay at nasisira.

“Walang ginawa itong mga…kung hindi pumatay at magsira and they killed babies, women. After raping women, they killed them,” sabi ni Duterte.