Ni: Marivic Awitan

Mga laro sa Martes

(Fil Oil Flying V Center)

8 am EAC vs. Perpetual (jrs)

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

10 am Mapua vs. Arellano (jrs)

12 pm EAC vs. Perpetual (srs)

2 pm Mapua vs. Arellano (are)

4 pm Letran vs. St. Benilde (srs)

6 pm Letran vs. CSB-LSGH (jrs)

Batang Baste, nalo sa Cards; Letran Knights, olats

BUHAY pa ang tsansa ng season host San Sebastian College na makahabol sa nalalabing Final Four berth matapos ilampaso ang Mapua University, 97-80, kahapon sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Letran's JP Calvo (right) and San Beda's Robert Bolick race for the ball possession during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, October 13, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
Letran's JP Calvo (right) and San Beda's Robert Bolick race for the ball possession during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, October 13, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Nakatulong din sa kampanya ng Stags ang pagkabigo ng mahigpit na karibal na Letran sa defending champion San Beda sa isa sa main event ng triple-bill match.

Mula sa 12-puntos na bentahe sa halftime, 46-34, nagsimulang kumalas ang Stags sa huling bahagi ng third quarter at pinalobo ang bentahe sa 69-52 sa pamumuno nina Alfred Gayosa, Alvin Capobres ,RK Ilagan at Jason David.

Hindi pa nagkasya dito, lalo pa nilang pinalaki ang lamang na lumagpas ng 20-puntos sa pangunguna ni David na isinalansan ang 10 sa kanyang game high 24-puntos sa fourth period.

“This game was all about team effort which showed in our 21 assists,” pahayag ni Stags coach Egay Macaraya matapos umangat ng kanyang Stags sa barahang 8-9, katabla ang Letran.

Ang nasabing team effort ang nais nyang mapanatili ng koponan at magkaroon ng consistency sa kanilang performance sakaling umabot sila ng playoffs.

Pinangunahan ni Robert Bolick ang ratsada ng San Beda para patatagin ang kapit sa No.2 at maihanda ang sarili sa muling pakikipagtuos sa nangungunang Lyceum of the Philippines sa pagtatapos ng elimination round.

Naghabol sa 63-61, humirit ang San Beda sa 11-2 run, tampok ang anim na puntos ni Bolick para ilayo ang laban at ilagay sa alanganin ang kampanya ng Knights sa Final Four.

Nagtapos namang topscorer para sa Cardinals na bumagsak sa barahang 3-14, panalo -talo si Cedric Pelayo na may 16 puntos.

Iskor:

(Unang laro)

San Sebastian (97) – David 24, Gayosa 18, Capobres 17, Calisaan 9, Ilagan 9, Calma 6, Costelo 5, Mercado 4, Bulanadi 3, Baetiong 2, Valdez 0, Navarro 0

Mapua (70) – Pelayo 16, Orquina 15, Bunag 13, Estrella 12, Victoria 7, Jimenez 5, Raflores 2, Aguirre 0

Quarterscores: 31-20, 46-34, 69-52, 97-70