Ni NITZ MIRALLES

PAHAYAG ni Dingdong Dantes sa presscon ng Seven Sundays, “I am grateful that I am able to do a role like this.” Tungkol ito sa character niyang si Bryan sa family drama movie ng Star Cinema na showing ngayon.

dingdong at direk cathy copy

Close to his heart ang role ni Dingdong dahil kung sa movie, second child siya, sa tunay na buhay, siya ang eldest sa Dante siblings. Big bonus din sa kanya na maidirek ni Cathy Garcia-Molina at makasama si Aga Muhlach na idolo na niya simula noong bata pa siya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Growing up, idol ko si Aga kaya ako nakumbinsi to go into acting because of him. Dati, fan lang niya ako as an actor, now I’m proud na dahil sa movie nabigyan ako ng chance to know him at maging younger brother niya. I’m now a fan of him as a person. I’m thankful he plays my kuya here,” sabi ni Dingdong.

Natawa pala si Dingdong sa kuwento ni Direk Cathy na hindi ito nagalingan noong first time siyang mapanood sa isang pelikula. Nasabi raw ni Direk Cathy noon na ayaw nitong maidirek ang aktor. Pero nagbago ang impression niya kay Dingdong sa Seven Sundays na nag-level up kina Aga at Ronaldo Valdez. 

“I love Dingdong now, I’m a fan,” pahayag ni Direk Cathy.

Sa premiere night ng Seven Sundays, kasama ni Dingdong ang asawang si Marian Rivera. Nagkita na sila ni Charlene Gonzalez na kasama naman ni Aga at nagpasalamat ito kay Marian dahil sa ipinadalang music video nina Aga, Dingdong at Enrique Gil. Ka-date naman ni Enrique si Liza Soberano.

Samantala, natuwa ang mga nakapanood sa nag-viral na video ng mga kasama at kontrabida ni Dingdong sa Alyas Robin Hood 2 na sumasayaw sa music ni O.T Genasis na Cut It. Imagine, sumasayaw sina Jay Manalo, Gabby Eigenmann, KC Montero, Rob Moya at Edu Manzano.

Ipinost ni Jaclyn Jose sa Instagram ang dancing video na nilagyan ng caption na, “The Boys of Alyas Robin Hood 2.” 

Nakakatawa ang video, hanapin n’yo at panoorin.