Ni: Beth Camia

Pinabulaanan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang mga haka-haka na kaya bumaba ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil sa mga expose ni Sen. Antonio Trillanes IV laban sa punong ehekutibo.

Ayon kay Panelo, walang kaugnayan ang mga alegasyon ni Trillanes laban kay Duterte dahil wala naman umanong naniniwala sa senador na mayroong tagong yaman ang Pangulo.

Tinawag din ni Panelo na “wishful thinking” ng mga kritiko ng administrasyon ang sinasabing senyales na ng pagbagsak ng administrasyon ni Duterte ang ipinakita ng Third Quarter 2017 Social Weather Survey ng Social Weather Stations (SWS).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, ang 67 porsiyento na satisfaction rating ng Pangulo ay mataas pa rin dahil katumbas umano ito ng 67 milyong Pilipino na sumasang-ayon sa pamamahala ni Duterte.

Iginiit din niya na hindi naman interesado si Pangulong Duterte sa mga lumalabas na rating -- bumagsak o tumaas man ang resulta nito.

Diin ni Panelo, patuloy na gagawin ng Pangulo ang kanyang trabaho kahit pa mayroong kokontra sa pamamaraan nito, lalung-lalo na sa war on drugs na nakikita nitong makasasalba sa sambayanang Pilipino.