KUMUBRA si Nathalia Prado sa naiskor na 20 puntos at 11 rebounds para sandigan ang Adamson University kontra University of the Philippines, 67-57, para sa ikalawang sunod na panalo sa pagtatapos ng first round elimination sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena.

Nag-ambag si Jamie Alcoy ng 16 na puntos, limang steals, limang rebounds at apat na assists sa Lady Falcons.

Sumosyo ang Adamson University sa Far Eastern University sa ikaapat na puwesto tangan ang 3-4 karta, isang panalo ang bentahe sa De La Salle at Ateneo (2-5).

Winalis naman ng defending champion National University ang 7-game first round, habang nakabuntot ang University of Santo Tomas at University of the East sa kartang 6-1 at 5-2, ayon sa pagkakasunod.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA