Ni NITZ MIRALLES

LUMIPAD patungong ibang bansa sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna pagkatapos ilabas ng ABS-CBN ang press statement na sinabing nag-agree ang network at si John Lloyd na mag-take ng indefinite leave of absence ang aktor.

Hindi alam kung saan pupunta ang dalawa.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sa IG story ni Ellen naka-post ang pag-alis nila ni John Lloyd, pero hindi nakita ang kanilang mukha, paa lang ni Ellen ang nakita. May kasakay yata sa eroplano ang dalawa dahil nakunan sila ng litrato sa loob.

John Lloyd at Ellen
John Lloyd at Ellen
Sa isa sa mga naunang post ni Ellen, sabi niya, “See you soon Zermatt!!” na nasa Switzerland, kaya ang paniwala ng supporters at haters nina John Lloyd at Ellen, doon sila pupunta. Maghintay na lang tayo ng ipo-post nilang photos para malaman kung doon nga sila pumunta.

Anyway, walang nakakaalam kung kailan ang balik nina John Lloyd at Ellen at kung matatagalan ba sila sa ibang bansa. Si John Lloyd, walang naghihintay na project, pero si Ellen, may gagawing pelikula sa Star Cinema katambal si Empoy.