NAGLAHO ang pagkakataon ni dating No. 1 super lightweight Jason Pagara nang tuluyan siyang ibagsak ng WBO bilang No. 6 contender sa world rankings sa pagtabla sa kanyang huling laban kay Kenyan James Onyango noong nakaraang Setyembre 16 sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.

Tiyak nang ihahayag ng WBO ang pagsasagupa nina No. 1 contender Antonio Orosco at No. 2 Maurice Hooker na kapwa Amerikano para paglabanan ang titulong binakante ni dating undisputed light welterweight champion Terence Crawford na binitiwan ang lahat ng kanyang korona para magkampanya sa welterweight division.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA