Ni: Ador Saluta

NABULABOG and madlang pipol at pinagpistahan ang nakakagulat na transformation ng dating si Marlou Arizala na ngayon ay kilala na rin sa bago niyang pangalang Xander Ford pagkatapos sumailalim sa cosmetic surgery. Inaabangan ng madlang pipol ang kanyang new look after undergoing plastic surgery sa Rated K last Sunday.

XANDER FORD copy copy

Marami ang nag-react, may positibo at may ilan ding negative comments sa desisyon ni Marlou. Kasalanan daw sa Dios na palitan ang kaanyuan na unang hinugis ng tadhana para sa kanya. Although ordinaryo na ang pagpapa-enhance ng mukha at katawan lalo na sa mga artista, ang total transformation ni Marlou ay ikinasindak at ikinabahala ng iba.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Puwede na raw palang pagtaguan ang batas at mahihirapan silang arestuhin ang hinahanap na salarin dahil puwede na palang magpapalit ng mukha.

Oo nga naman, imagine, simula nang mag-undergo si Marlou ng cosmetic surgery last September 4, wala na iyong dating miyembro ng Hasht5 Dancers na salat sa pisikal na kaanyuan. Andami na niyang fans dahil mala-hearthrob na ang dating ng dating dancer.

Ang kanyang transformation ay inumpisahan last September 4 sa kanyang noselift at chin augmentation surgeries. Sunod na trinabaho ang stranding ng kanyang eyebrows, pinatingkad ang kulay ng lips, nagkaroon ng treatment sa wrinkles sa noon at inayos din ang kanyang panga.

May eyelash extensions pa, at binago rin ang kanyang hairstyle.

Ang huli ay ang dental implant ng ceramic veneers sa kanyang front teeth.

Kaya halos lahat sa kanyang mukha ay ginalaw ng siyensiya. May kasunod pa raw, pakikinisin pa ang kanyang mukha pagkatapos maghilom ang mga sugat sanhi ng surgery procedures na halos sabay-sabay na ginawa sa dating si Marlou.

Sabi ng comedienne na si Ethel Booba sa kanyang tweet, “May nag-comment kay Marlou aka Xander Ford na ‘di daw mapupunta sa langit kasi kasalanan magparetoke. As if di kasalanan manghusga. Charot!”

Tinanggap si Marlou ng kanyang mga magulang at lalo na ang kanyang tatay na nagsabing hindi na nito kamukha ang anak ngayon.

Nang magtanung-tanong kami kung magkano ang ginastos ni Marlou sa pagpaparetoke, ang sumagot sa amin ay isang blogger named Rio Laotingco. Aniya’y ex-deal ito ng programang Rated K ni Ms. Korina Sanchez-Roxas sa espesyalista sa pagpapaganda na ayaw pang pangalanan dahil na-involve ito sa isang malaking isyu months ago.

“Ito ‘yung doctor, isang beauty expert na nagkaroon ng isang pasyenteng namatay noon,” sabi sa amin.

Ang kanyang tinutukoy ay ang isang batambatang negosyante na tatlong sabay-sabay na cosmetic surgery ang ipinagawa.

Dugtong pa ni Rio, “In fairness, mahusay ang doktor at talagang expert sila sa beauty augmentations. Hindi lang kinaya ng girl ang tatlong sabayang operasyon at bumigay ang kanyang katawan. ‘Pag na-reveal na ang pangalan ng doktor, makakabawi ito sa pagkalugi (dahil sa pangyayari).”

Sa ngayon ay marami ang nagtatanong kung sino ang gumawa ng trasformations ni Marlou na ngayon ay may balak nang pumalaot sa showbiz.

Marami ang nagsasabing kamukha ni Xander si Joseph Bitangcol, ang dating ka-love team at na-link dati kay Sandara Park.