LIMANG miyembro ng Davao Aguilas FC players ang kinuha ng Philippine men’s national Team Azkals para sa pagsabak sa AFC Asian Cup UAE 2019 Qualifiers Match kontra sa Yemen sa Oktubre 10 sa Saoud Bin Abdulrahman Stadium sa Doha, Qatar.

phil copy

Ito ang ikalawang pagkakataon na makakaharap ng Azkals ang Yemen para sa krusyal na tie. Natapos sa 2-2 draw ang laban ng magkaribal nitong Setyembre 5 sa Panaad Park and Stadium in Bacolod, Negros Occidental.

Sa naturang laro, kapwa umiskor ng goal ang magkapatid na Phil at James Younghusband, na parehong pambato ng Davao Aguilas.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Bukod sa magkapatid, nakuha rin sa Azkals sina Dylan De Bruycker, Nicholas O’Donnell at Simone Rota.

Ikalawang pagkakataon para sa 19-anyos na Fil-Belgian na si Dylan De Bruycker na makalaro sa National Team. Naging bahagi siya ng Under-22 squad sa nakalipas na taon.

“The call up is a confirmation that DAFC players have quality. As a football club, we are committed to helping Philippine football. My best wishes to Azkals and to all DAFC players. Make our country proud!” pahayag ni Davao Aguilas FC coach Marlon Maro.