Ni NORA CALDERON

READY na sa December 11, 2017 ang Christian wedding ng Kapuso stars na sina Max Collins at Pancho Magno sa Marriott Hotel. Last May nag-propose ng wedding si Pancho kay Max, nang mag-summer vacation sila sa Boracay.

Max Collins copy copy

That time wala pa ang offer ng GMA-7 kay Max to do Triple Ex na pagsasamahan nila sina Lovi Poe at Rhian Ramos. Pero nang malaman niya ang magandang project, hindi siya nagdalawang-isip na tinanggap ang offer, lalo na at hindi ito drama but light and comic, na ididirek ni Maryo J. delos Reyes.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Hindi po siya X-rated story but about three beautiful ladies having something in common,” kuwento ni Max. “Pare-pareho kaming ex-girlfriend ng isang womanizing guy. Magkakaroon ng problema nang magkakila-kilala sila, but later, they will become good friends. 

“I’m thankful to GMA na binigyan nila ako ng chance to work with Lovi and Rhian. Nag-click kami agad and I know na magiging best of friends kami kapag nagtuluy-tuloy na ang taping namin.”

Palaisipan pa rin kung sino ang magiging leading man nila. Kahit kasi nag-start na ang taping, hindi pa rin inia-announce kung sino ang gaganap na womanizing guy.

Nang tanungin naman si Max tungkol sa wedding preparations nila ni Pancho, tuluy-tuloy na raw sila at ready na sila sa darating na kasal nila.