Ni: Gilbert Espeña

MULING umiskor si world female minimumweight champion Gretchen Abaniel via 6-round unanimous decision kontra Chamaporn Chairin ng Thailand nitong Linggo sa Elorde Sports Complex sa Paranaque City.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ni Abaniel mula nang palasapin ng unang pagkatalo si dating Global Boxing Union (GBU) female minimumweight champion Oezlem Sahin ng Turkey noong Nobyembre 7, 2015 sa 10-round split decision sa Ludwisburg, Germany.

Naidepensa ni Abaniel ang GBU title at nabawi ang Womens International Boxing Association (WIBA) minimumweight title nang talunin sa puntos si Saowaluk Nareepangsri ng Thailand noong Hulyo 2, 2016 sa Punchbowl, Sydney, Australia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord ngayon si Abaniel 18-8-0 na may 6 panalo sa knockouts at siya ang nag-iisang kampeong pandaigdig na babae ngayon ng Pilipinas.