Ni: Bella Gamotea

Magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Oktubre 3 ay magtataas ito ng 55 sentimos sa kada litro ng diesel at kerosene, habang 25 sentimos naman ang dagdag sa gasolina.

Agad itong sinundan ng Pilipinas Shell at Seaoil ng kahalintulad na dagdag-presyo sa kanilang produkto, bandang 6:00 ng umaga ngayong araw.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Setyembre 26 nang huling nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis, matapos na magdagdag ng 65 sentimos sa bawat litro ng kerosene, at 45 sentimos sa diesel.