Nina REY G. PANALIGAN at JUN FABON

Hanggang ngayon ay wala pa ring tumetestigo sa pagpatay sa hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III, sinabi kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Sinabi niya na ang dalawang posibleng testigo na pumunta sa kanyang opisina kamakailan ay bigong makabalik sa kanya dahil sa mga natanggap na banta sa buhay.

“They did not come back anymore despite our assurance of security and coverage under our witness protection program (WPP),” aniya.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi niya na ang dalawa— ang isa ay miyembro ng Aegis Juris Fraternity at ang isa ay neophyte— ay nagkaloob lamang ng “tips” ngunit hindi nagsumite ng counter-affidavits.

Gayunman, muling nanawagan si Aguirre sa mga testigo na lumantad sa pagsisiguro na sila ay ilalagay sa WPP.

“Whoever has information of what really happened (sa naganap na hazing) could just reach out to the DoJ (Department of Justice) or the NBI (National Bureau of Investigation) and I assure them of protection under WPP,” sinabi ni Aguirre sa panayam.

Sinabi rin niya na ang mga testigo ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa pagtawag sa 0995-4429241, ang binuong hotline ng DoJ para sa kaso ni Castillo.

Aniya pa, “witnesses and their testimonies are very crucial in criminal cases, especially during trial where they can establish the guilt of the accused, especially when corroborated and supported by physical evidence.”

UST CIVIL LAW DEAN BILANG PERSON OF INTEREST

Isang abogado ang nagpahayag ng paniniwala na dapat isama sa persons of interest si University of Santo Tomas (UST) Civil Law dean Atty. Nilo Divina sa kaso sa pagpatay kay Castillo.

Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, hindi dapat makalusot si Divina sa imbestigasyon dahil bilang pinakamataas na opisyal ng naturang departamento, may pananagutan ito sa kanyang mga estudyante.

Aniya, dapat siniguro ni Divina na nasunod ang requirements ng Anti-Hazing Law at nasigurong mayroong school representatives nang mangyari ang initiation rights ng Aegis Juris sa bagong recruit nitong si Castillo.

Paliwanag pa ni Kapunan na ang pagsama sa persons of interest ay hindi nangangahulugan na “guilty”, sa halip ay tinitingnan lamang ang lahat ng anggulo upang maresolba ang kaso.