BINOKYA ng National University ang Ateneo, 5-0, para patatagin ang kampanya na maidepensa ang korona sa men’s division ng UAAP Season 80 badminton tournament.

Nagwagi sina Alvin Morada, Keeyan Gabuelo at Mike Minuluan sa kanilang singles matches, habang nakuha ng tambalan nina Minuluan at Christian Cuyno, gayundin ng tambalan nina Morada at Alem Palmares ang panalo sa doubles para hilahin ang winning streak sa 30, sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Ang winning streak ng NU ang ikalawang pinakamahabang winning streak sa sports sa liga sa likod ng women’s basketball na may 54-0 karta.

Natamo ng Blue Eagles ang unang kabiguan ngayong season.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magkasosyo sa ikalawang puwesto ang De La Salle at University of the Philippines, tangan ang 3-1 karta, kasunod ang University of the East at Adamson University.

Bagsak ang Red Warriors sa 1-4, at bokya ang Falcons sa 0-5.