Ni: Kier Edison C. Belleza

CEBU CITY – Apat na katao ang nasawi nitong Biyernes sa Cebu City sa magkakahiwalay na insidenteng dulot ng malakas na ulan.

Sa apat na namatay, tatlo ang tinangay ng rumaragasang baha nang gumuho ang kinatatayuan nilang makeshift footbridge pasado 10:00 ng umaga nitong Biyernes.

Gumuho ang tulay na gawa sa troso at 13 nakatayo rito ang nahulog sa sapa sa Sitio Riverside, Banawa sa Barangay Guadalupe, Cebu City, at nalunod ang magkapatid na Carlo Taran, 7; at Juros Taran, 11; gayundin si Arthur Cabradilla, 26 anyos.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Bandang 9:00 ng gabi naman nang malibing nang buhay sa landslide na tumabon sa kanilang bahay ang 11-anyos na mag-aaral sa Grade 5 na si Kyle Ashley Barcoso, sa Purok 3, Bgy. San Jose, Cebu City.