Ni: Liezle Basa Iñigo

Nasa 45 araw na preventive suspension ang bubunuin ng opisyal at dalawa pang doktor sa isang district hospital sa Camalaniugan, Cagayan, dahil sa pandaraya umano sa PhilHealth claims.

Sa press statement ng Cagayan Information Office, nabatid na sinuspinde sina Dr. Belma Barrientos, chief ng Matilde A. Olivas District Hospital sa Camalaniugan; Dr. Rosette De Leon; at Dr. Jane Berona na magiging epektibo simula Setyembre 25 hanggang Nobyembre 9, 2017.

Sinuspinde ang tatlo habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga kasong dishonesty, grave misconduct, at conduct prejudicial to the government.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Natuklasan ng PhilHealth na binago umano ng tatlo ang resulta ng mga laboratory test para iakma sa diagnosis ng ospital upang makakolekta ng mas malaking claims mula sa PhilHealth.

Nang makarating sa kaalaman ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ay agad niyang isinailalim sa preventive suspension sina Barrientos, De Leon at Berona.