Ni: Marivic Awitan

MAY pagkakataon na ang nag volleyball fans sa probinsiya partikular sa lalawigan ng Cagayan na mapanood ang ilan sa mga pinakamahuhusay at popular na manlalaro sa bansa sa nakatakdang pagdaraos ng Premier Volleyball League (PVL) exhibition games sa People’s Gym sa Tuguegarao sa Oktubre 7.

Magtutunggali ang three-time PVL champion Pocari Sweat at ang Creamline, na pangungunahan ni dating Ateneo star setter Jia Morado sa tampok na laro ganap na 5:30 ng hapon pagkatapos ng pagtutuos ng San Sebastian College na pangungunahan ni dating league MVP Grethcel Soltones, at ng BanKo-Perlas ganap na 3:30 ng hapon.

Magsasagawa ang nangungunang commercial volleyball sa bansa ng exhibition matches sa labas ng National Capital Region bilang bahagi ng layunin nilang lalo pang mailapit ang sport sa mga fans sa malalayong lalawigan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

.“We just want to go straight to our fans in the provinces and show our appreciation to them for supporting the PVL through the years,” pahayag ni Sports Vision president Ricky Palou.

Ang proyekto ay isasagawa sa pakikiisa ng Beach Volleyball Republic sa pangunguna ni Charo Soriano, at inorganisa ng Sports Vision sa tulong ng Mikasa at Asics.

Nakatakda ding magdaos ng PVL on Tour sa Bacolod City sa Oktubre 17 at Iloilo sa Oktubre 18 .