Ni: Nitz Miralles

HINDI pa namataang dumalaw kay Marian Rivera sa taping ng Super Ma’am si Dingdong Dantes at ang anak nilang si Zia.

Ang nakitang dumalaw kay Marian ay ang kanyang Lola Iska na kung tawagin ng aktres ay “Nanay Iska.”

MARIAN copy copy

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Isa si Shyr Valdez sa mga kasama ni Marian sa Super Ma’am na nakasaksi sa closeness ng maglola at naka-record sa IG story niya ang pagbisita ng 86-year-old grandmother ng aktres. Ayon kay Shyr, hindi namimili ng lugar o oras, basta ginustong dalawin ang apo, ginagawa kesehodang sa Cavite pa ito nanggagaling.

Bukambibig ni Marian ang Nanay Iska niya at inaamin na ito ang motivation niya para gawing mahusay ang bawat trabahong ibinibigay sa kanya. Walang masasabi ang televiewers ng Super Ma’am dahil pati action scenes sa show, maayos niyang ginagawa.

Pinuri si Marian ni Direk LA Madridejos sa pagiging professional at pagiging bubbly sa set. Lagi raw itong nakabantay sa set kahit hindi niya eksena para lang makita ang mga kinukunan niyang eksena. Umaalis lang ‘pag magbibihis at babalik din agad.

Sinuklian ng televiewers ang dedikasyon ni Marian sa trabaho dahil sa survey para sa MegaTam Top Programs noong September 22, nag-number one ang Super Ma’am.