Ni ADOR SALUTA

PINALALAMPAS ni Kris Aquino ang karamihan sa mga pamimintas sa kanya, pero hinding-hindi ang anumang pamba-bash sa mga anak niyang sina Joshua at Bimby.

KRIS BIMBY AT JOSHUA copy

Hindi nagustuhan ni Kris ang sinabi ng isang basher na may Instagram handle na “Natalieeeee01” na “gay” o “bading “ ang kanyang bunso at sinagot niya ito.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

Sabi ng basher: “And Bimb is gay. At least he’s still young.”

“I have no issue with sexual preference but I do have an issue with you deciding for my son. If you have prejudices please express it elsewhere,” sagot ni Kris.

Hindi ito ang unang pagpiyok ni Kris kapag may basher ang kanyang anak.

Samantala, sampung taon na si Bimby at 22 years old naman si Josh.

Nang i-post ni Kris photo na kasama ng item na ito last Saturday, ang caption niya: “We came from Anticipated Mass.

While waiting for our car, I said we should take a picture because I just wanted to chronicle how tall my two sons are, in case you’re wondering Bimb is 10 & he’s 5’5 & Kuya is 22 & he’s 6’2. I’m 46 & short. ? Happy weekend. ❤️❤️❤️

❤Kris.”