Ni: Mary Ann Santiago

Patay ang isang binata nang saksakin ng lalaking kanyang naka-argumento sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng madaling araw.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Medical Center si Mark Anthony Teorica, 26, binata, walang hanapbuhay, at taga-Gate 7, Parola Compound, ngunit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang isang alyas “Jan-jan”, ng Area H, Parola Compound, na sinasabing siyang may kagagawan ng krimen.

Batay sa pagsisiyasat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), nabatid na dakong 1:00 ng umaga nang magtalo ang biktima at ang suspek sa hindi pa batid na dahilan, sa Apec Compound sa Pier 2.

ICC prosecutor kay FPRRD: 'He must answer for the dead!'

Sa kainitan ng pagtatalo ay bigla na lang nagbunot ng patalim ang suspek at sinaksak si Teorica bago mabilis na tumakas.