Ni Edwin G. Rollon

Pagbabago sa POC, iginiit ng sports community.

MULA sa Maynila hanggang Cebu City, umaalingawgaw ang panawagan nang mga grupo na nagnanais ng pagbabago sa Philippine sports sa isinagawang protesta para ipanawagan sa mga national sports association (NSA) na kumilos at tapusin ang pamumuno ni Jose ‘Peping’ Cojuangco sa Philippine Olympic Committee (POC).

Pinangunahan nina dating Senator at Philippine Swimming League (PSL) chairman Nikki Coseteng at Philippine Volleyball Federation (PVF) president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada ang mahigit 100 supporters, kabilang ang mga batang swimmers at dragon boat athletes ang nakiisa sa panawagan na ginanap sa Rizal Memorial Colisuem sa Vito Cruz, Manila.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

mon2 copy

Iginiit ng grupo na panahon pa para magsampa ng kaukulang kaso ng ‘graft’ ang Philippine Sports Commission (PSC) upang mapanagot ang dating Tarlac Congressman sa mababang kampanya ng Team Philippines sa international competition.

“Bagsak ang ating sports dahil walang pagpapahalaga si Mr. Cojuangco sa mga atleta. Ang kaguluhan sa mga NSAs ay sadya niyang ginawa para manatili ang loyalty ng ilan sa kanyang liderato. Kawawa naman po ang ating mga atleta,” pahayag ni Coseteng.

Mula nang hawakan ni Cojuangco ang POC noong 2004, bigong makaangat ang atletang Pinoy sa Southeast Asian Games kung saan nakamit ang pinakamasaklap na 6th place sa katatapos na SEAG edition sa Kuala Lumpur sa napagwagihang 24 gintong medalya.

“We already know cojuangco and his gang are corrupt, unfair and too senile to admit they are useless to remain in the POC. Now we realize they are also deaf to the cries of the Filipino athletes,” pahayag ni Cantada.

“We have nothing to lose in this exercise, Mr. Cojuangco. But when you step down, Philippine sports has everything to gain. You may stubbornly cling to your position mr. Cojuangco, but after today, who else will respect you as POC president?” aniya.

Nakiisa rin sa program sina PSL secretary general at Olympian Susan Papa, Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) president Marcia Cristobal, dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Aparicio Mequi at dating Philippine Football Federation (PFF) president Johnny Romualdez.

Sa Fuente Osmena Circle sa Cebu City, pinamunuan naman ni PSC commissioner Ramon Fernandez ang hiwalay na protesta na may parehong panawagan sa pagbibitiw sa puwesto ni Cojuangco.

Sa FB message, sinabi ni Fernandez na umaasa siyang maririnig ni Cojuangco at ng mga NSA president ang panawagan ng mga atleta at sports supporters para sa pagbabago.

Kasama ang ilang loyal na opisyal sa POC, kasalukuyang nasa Ashbat, Turkmenistan si Cojuangco para sa Asia Indoor and Martial Arts Games.

“In terms of numbers, if you are going to judge rallies by numbers, then siguro you can say that it is not (successful). But remember, revolutions start not in great many people. It starts with one person,” pahayag ni Mequi.

Iginiit ni Mequi na magpapatuloy ang ganitong pagkilos hanggang mapanagot si Cojuangco, higit sa mahigit P27 milyon na pondo na hindi pa ma-liquidate mula sa ginamit sa 2005 SEAG hosting.

“We will keep pressuring anybody, POC and the PSC, but we are going to pressure the government to file charges against Peping Cojuangco,” pahayag ni Mequi.

Ikinalungkot naman ni Mequi ang aniya’y kawalan ng suporta mula sa mga sports na hawak ni business mogul Manny V. Pangilinan.

“Are you going to continue to operate and spend billions in an environment like the Philippines where sports leadership is somehow has not brought benefit to our country?”aniya.

Hawak ni Pangilinan ang basketball at may impluwensiya sa boxing, taekwondo, tennis at triathlon.