Ni JIMI ESCALA
MARAMI ang napabilib sa katapangan ni Enchong Dee, hindi sa role niya sa A Love To Last kundi sa lakas ng loob niya sa pagpapahayag ng kanyang sariling saloobin sa pagsagot sa posts ng mga kakampi ni Pangulong Rody Duterte.
Ang isa sa mga latest post ni Enchong sa Twitter ay patunay lamang na walang takot ang actor sa pagsagot sa isang post ng maka-Duterte.
“I will continue to love my country despite of this government. I will continue to be of service to my countrymen despite having no position in the government. I will continue to be of service to my countrymen despite having no position in government. I will continue to uplift Filipino dignity because politicians are useless,” diretsahang banggit ng actor.
Medyo napikon kasi si Enchong sa post ng isang basher na nagsabing libreng-libre naman si Enchong para iwanan ang Pilipinas.
“Pede ka naman po umalis ng pinas kung di mo nakikita ‘yung magandang ginagawa ng gobiyerno ngayon. Porke’t may utang na loob ka sa mga Robredo… Hmmmm……. Don’t ‘us # akolangto.”
Agad itong sinagot ni Enchong ng padaplis with matching larawan ng mga mambabatas na pumabor sa P1,000 budget para sa Commission on Human Rights.
“Philippine politicians should be given Best Actor and Best Actress awards #AkoLangTo,” ani Enchong Dee.