Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggal sa puwesto kay Sugar Regulatory Administration (SRA) chief Ana Rosario Paner.

Sa kanyang talumpati sa okasyon ng Public Attorneys Office (PAO) sa Maynila kamakalawa ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na isyu ng korupsiyon ang dahilan ng pagsibak niya kay Paner.

Ayon sa Pangulo, kumuha ni Paner ng mga consultant na pinasuweldo ng mahigit sa P200,000 -- mas mataas pa sa kanyang suweldo bilang presidente ng bansa. - Beth Camia
Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco