La Salle's Kib Montalbo celebrates during the UAAP Season 80 match against NU at Smart Araneta Coliseum, September 16, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Mga Laro Ngayon (MOA Arena)

2 n.h. -- NU vs UST

4 n.h. -- Adamson vs La Salle

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

MAKASOSYO sa archrival Ateneo sa liderato ang hangad ng defending champion De La Salle sa pakikipagtuos sa Adamson sa tampok na laro ng nakatakdang double header ng UAAP Season 80 men's basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Tatangkain ng Archers na makopo ang ikatlong sunod na panalo sa pagtudla sa Falcons na target naman ang unang back-to-back win sa kanilang pagtutuos ganap na 4:00 ng Japan.

Mauuna rito, magkakasubukan ang University of Santo Tomas at National University sa pambungad na laro ganap na 2:00 ng hapon.

Huling tinalo ng Green Archers para sa kanilang ikalawang sunod na panalo ang NU Bulldogs nitong Setyembre 9 sa iskor na 115-109 habang nakamit naman ng Falcons ang unang tagumpay matapos ungusan ang Tigers, 88-81 nitong Sabado. - Marivic Awitan