BUO na ang Philippine basketball team Gilas, sa pangunguna ng import na si Isaiah Austin.

Sa report ng Spin.ph, opisyal na ipinahayag ni National coach Chot Reyes ang 12-man line-up ng Gilas na sasabak sa FIBA Asia Champions Cup na magsisimula sa Biyernes (Sabado sa Manila) sa Chenzhou, China.

Kasama ni Austin na nabigyan ng visa si Centro Escolar University standout Rod Ebondo para sa Chooks-to-Go RP Team na binubuo rin ng ilang amateur standouts at pro cagers.

Nangunguna sa local players sina Kiefer Ravena, Alaska forward Carl Bryan Cruz, Raymar Jose, Jeron Teng, Jeric Teng, Almond Vosotros, Jett Manuel, Kia point guard LA Revilla, TNT big man Norbert Torres, at Alfrancis Tamsi.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro sa iisang koponan ang magkapatd na Teng mula nang maging magkasangga sa Xavier noong high school.

“Super excited ako. Thankful na nabigyan kami ng chance to play in one team,” pahayag ng Jeron.

Kabilang naman sa reserves sina Gab Banal at Andre Paras.