Ni: Rommel P. Tabbad at Chito A. Chavez

Idinepensa kahapon ni Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Gwen Pimentel-Gana ang kanilang chairman na si Jose Luis “Chito” Gascon laban sa patutsada ni Pangulong Duterte na isa itong “bakla o pedophile”.

Ayon kay Gana, hindi angkop na gamitin ang nasabing mga salita upang ilarawan ang pagnanais ni Gascon na maimbestigahan at matukoy ang mga responsable sa sunud-sunod na pamamaslang, karamihan ay mga teenager, dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

“Why can’t you move on to other issues that are besetting this country? ‘Yun na lang? Basta may mamatay na bata, eh nangyayari ‘yan. Nangyayari maski saan,” sinabi ni Duterte sa isang event sa Davao City kamakailan. “Eh itong si Gascon, ilang araw na puro teen—teenager, parang pedophile kang p**** i** ka. Bakit ka mahilig masyado sa teenager?

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Are you? Nagdududa tuloy ako, eh. Bakla ka o pedophile ka?”

“I know that Chito Gascon is not a pedophile, definitely not,” depensa naman ni Gana.

Kaugnay nito, nangako rin si Gascon na hindi siya magbibitiw sa tungkulin at nagpahayag ng pag-asang haharapin ng Pangulo ang mga usapin sa bansa sa mas respetadong paraan.

At sa kabila ng mga panawagang mag-resign siya matapos bigyan ng Kamara ng P1,000 budget ang CHR para sa 2018, nanindigan si Gascon na idedepensa niya ang panukalang P678 milyon budget para sa ahensiya.