‘DI TAYO TALO! Aksidenteng nagkakasakitan ang magkasangga sa University of the Philippines nang magkarambola sa rebound sa isang tagpo ng kanilang laro kontra University of the East nitong Linggo sa UAAP seniors basketball tournament. Nanaig ang Maroons, 84-71. RIO DELUVIO
‘DI TAYO TALO! Aksidenteng nagkakasakitan ang magkasangga sa University of the Philippines nang magkarambola sa rebound sa isang tagpo ng kanilang laro kontra University of the East nitong Linggo sa UAAP seniors basketball tournament. Nanaig ang Maroons, 84-71. RIO DELUVIO

HATAW si PAUL Desiderio sa naiskor na career-high 28 puntos para sandigan ang University of the Philippines sa 84-71 panalo kontra University of the East kahapon sa UAAP Season 80 basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Nalimitahan ng Fighting Maroons ang Red Warriors sa pitong puntos sa third period tungo sa ikalawang panalo sa tatlong laro.

“Going into this game, I was kinda worried about the state of mind that we have after that very bad loss against Ateneo. We tried to emphasize that we have to let go of whatever is bothering our minds,” pahayag ni UP coach Bo Perasol.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“We are just happy to get through this game against a tough opening by UE. We were able to bounce back despite being outplayed and outhustled in the first minutes of the game,” aniya.

Nag-ambag si Ibrahim Ouattara sa Maroons sa nakubrang 14 puntos, 18 rebounds, at dalawang blocks.

Nanguna si Clark Derige sa Red Warriors sa natipang 21 puntos at siyam na puntos.

Iskor:

UP (84) — Desiderio 28, Ouattara 14, Manzo 10, Ja. Gomez de Liano 9, Ju. Gomez de Liano 7, Prado 7, Lim 4, Lao 3, Webb 2, Dario 0.

UE (71) — Derige 21, Maloles 16, Pasaol 12, Olayon 11, Manalang 8, Cullar 3, Varilla 0, Bartolome 0, Acuno 0, Abanto 0, Armenion 0, Conner 0, Cruz 0, Gagate 0.

Quarterscores: 18-27; 38-42; 64-49; 84-71.