Ellen at John Lloyd
Ellen at John Lloyd

NASA Cebu na naman sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna at nag-i-enjoy, samantalang ang bashers ng dalawa, nanggangalaiti, nagagalit at bash nang bash. Pero patuloy naman silang pina-follow sa kani-kanyang social media account for updates.

Nagiging paboritong lugar ni John Lloyd ang Cebu at hindi kami magugulat kung matuto siyang mag-Cebuano. Magaling na teacher si Ellen at idagdag pa na puro Cebuano ang nakakasama ng aktor ‘pag nasa teritoryo siya ni Ellen.

Sabi ng followers ni John Lloyd, obvious na in-love na ito kay Ellen dahil ang feed nito sa Instagram, kung hindi mga non-moving things, puro si Ellen. Pati nga ginagawa ni Ellen in between takes sa Home Sweetie Home, kinukunan ng video. Pati nga paa ni Ellen sa latest Cebu adventure nila kinunan ng video.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

This must be love! Sabi nga sa kanta, “TL ako sa ‘yo” as in true love.

Inaabangan na ng fans, at haters na rin, ang Star Magic Ball ng Star Magic kung dadalong magkasama sina John Lloyd at Ellen at ‘pag nangyari ‘yun, tiyak na aagaw sila ng pansin. --Nitz Miralles