Ni: Alexandria Dennise San Juan

Binigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng “competitive edge” ang mga taxi laban sa mga transport network vehicle (TNVS), gaya ng Uber at Grab, sa bagong panukala na taxi fare structure ng ahensiya.

Sinabi ni LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada sa isang panayam na ang panukalang taxi fare matrix ay batay sa istruktura ng pasahe ng mga TNVS.

Inihayag kamakailan ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na nagpasya silang itaas ang pasahe sa taxi para pumantay sa singil ng Uber at Grab.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Lizada, sa panukalang taas-pasahe ay mananatili ang P40 na flag-down rate, ngunit ang singil sa bawat 300 metro at waiting time para sa kada dalawang minuto ay tataas sa P5.50 mula sa kasalukuyang P3.50.

Dagdag pa ni Lizada, ang pasahe ay batay sa kada kilometro ng biyahe.

“So fare will be P40 plus the amount times kilometers plus the amount times number of minutes,” paliwanag ni Lizada sa isang text message.

“All taxi units, their meters must be calibrated and only after calibration shall the fare structure take effect,” sabi pa ni Lizada.

Ilalabas ng LTFRB ang opisyal nitong desisyon sa pasahe sa taxi sa huling bahagi ng buwang ito.