BINIGYANG diin ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga national coach ang kahalagahan ng patuloy na pag-aaral para mapataas ang kanilang kaalaman sa paghubog nang kompetitibong atleta.

PSC-KISS copy

“Para sa inyo ito (coaches). Kailangan ang patuloy na pag-aaral. Yung mga natutunan ninyo ‘yan naman ang pakikinabangan ng mga atleta at mga bagong henerasyon ng coaches,” sambit ni Ramirez sa mga coach na lumahok sa Sports Science seminar ng Philippine Sports Institute (PSI).

“The PSC is all out in supporting your education to realize your dream of becoming a true champion coach,” aniya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang dalawang araw na seminar/lecture na nagtapos kahapon sa Multi-Purpose Center sa Philsports sa Pasig City ay itinaguyod ng PSI, sa pakikipagtambalan sa Korea Institute of Sports Science (KISS) at UNESCO.

Kabuuang 60 national coach mula sa iba’t ibang national sports association (NSA) ang nakilahok sa sports seminar na pinangasiwaan ng senior officer at sports science researchers ng KISS.

Nakibahagi sa talakayan si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, kasabay ang pasasalamat sa delegasyon ng KISS sa opening program ng Lecture Series II.

“Para sa inyo ito (coaches). Kailangan ang patuloy na pag-aaral. Yung mga natutunan ninyo ‘yan naman ang pakikinabangan ng mga atleta at mga bagong henerasyon ng coaches,” sambit ni Ramirez.

Iginiit naman ni Dr. Yong Koo-Noh, KISS Senior Researcher, na handa ang kanilang ahensiya na makatulong sa Pilipinas, gayundin ang mapalawig ang ugnayan ng dalawang bansa para sa layuning mapataas ang kalidad ng sports competitiveness ng mga atleta.

Ang dalawang araw na sports science seminar na nagtapos kahapon ay tumuon sa Sports Physiology (lecture and practicum), Sports Psychology (lecture) at Sports Policy (lecture).

Ito ang ikalawang pagkakataon na nagsagawa ng seminar/lecture ang mga opisyal ng KISS. Nauna silang nagbigay ng edukasyon sa local coaches noong Disyembre 2016.

Kabilang sa KISS delegates sina Senior Researchers Dr. Noh at Hong-Sun Song; Researchers Hyun-Joo Cho at Seung-Hyun Hwang at Eon-Ho Kim, gayundin sina Directors Ik-Whan Kim at Joo-Phil Kim.