NI: Hannah L. Torregoza at Ben R. Rosario

Hinikayat kahapon ng mga senador ang Kamara de Representantes na pakinggan ang sentimyento ng Mataas na Kapulungan sa panukalang budget para sa Commission on Human Rights (CHR).

Ito ang nagkakaisang apela ng mga senador makaraang sabihin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na paninindigan ng Kamara ang desisyon nitong maglaan lamang ng P1,000 taunang budget sa CHR.

Bukod sa CHR, binigyan din ng mga kongresista ng tig-P1,000 budget ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at Energy Regulatory Commission (ERC).

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“We are not imposing on our House counterparts nor playing big brother to them. Most probably, we will be meeting in bicam on the CHR, NCIP and ERC issues and hopefully, we can find some middle ground to resolve the disagreeing provisions in the 2018 budget bill,” sabi ni Senator Panfilo Lacson.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sakaling hindi magkasundo ang Kamara at Senado sa budget ng CHR, maaaring i-reenact ang 2018 budget.

“Yes. Majority of the senators will stand by Senate’s decision to maintain CHR budget. We will not agree with the cut of the House of Representatives. If no agreement is reached, a deadlock by December 31, 2017 means 2017 GAA is re-enacted for 2018 for the whole gov’t, including that of CHR,” ani Drilon.

Samantala, mistulang lumambot na si Alvarez sa paninindigan niyang bigyan lang ng P1,000 budget ang ahensiya, bagamat nanatili siyang pursigido na magbitiw na lang sa tungkulin si CHR Chairman Chito Gascon.

Sa isang press conference sa Makati, sinabi ni Alvarez na mayroon pa ring posibilidad na mababawi ng CHR ang panukalang paglaanan ito ng P678 milyon para sa 2018 dahil dadaan pa naman ang P1,000 budget ng ahensiya sa bicameral conference procedure.

“Sakaling makita naman namin na maganda ‘yung programa, eh, bakit hindi? Tutal may bicameral pa naman. Pero kailangang i-justify nila ‘yung kanilang paggagamitan ng pera,” ani Alvarez.