Ni: Light A. Nolasco

SAN LUIS, Aurora - Hindi na nakapalag ang isang 64-anyos na obrero na top 2 most wanted sa bayan ng San Luis sa Aurora nang arestuhin nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Senior Insp. Ysrael Namoro, hepe ng San Luis Police, naaresto ang suspek na si Romulo Antalan, 64, may asawa, residente ng Sitio Hacienda, Barangay Nonong Sr. sa San Luis.

Si Antalan ay may standing warrant of arrest sa kasong acts of lasciviousness na may kaugnayan sa Anti-Child Abuse Law.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog