Ni Marivic Awitan

SINANDIGAN ni Coy Galvelo, sa naiskor na 25 puntos, ang Letran Knights sa impresibong 72-67 panalo kontra La Consolacion College sa senior division games ng 15th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament nitong weekend sa LCC gymnasium sa Mendiola, Manila.

Hataw si Galvelo sa anim na sunod na puntos sa huling 1:23 ng laro para makaagapay ang Knights tungo sa ikalawang panalo sa tatlong laro sa Group A ng torneo na suportado ng Slick Tight Hair Pomade.

Sa iba pang senior encounter,kumana si Conrad Catapusan ng 21 puntos sa panalo ng Adamson Falcons kontra Arellano University, 76-71. Ito ang ikaapat na panalo ng Falcons sa limang laro sa Group B.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nauna nilang ginapi ang National University-B, 88-73.

Sa junior division, ratsada si Carl Barreiro sa natipang 18 puntos, tampok ang winning triple sa huling 46 segundo ng laro para gabayan ang San Beda-Manila B Red Kittens sa 69-65 panalo kontra Philippine Cultural College Seagulls.

Nakopo ng Red Kittens ang unang palano sa tatlong laro sa Group A.

Ginapi naman ng Mapua Red Robins, sa pangunguna ni Lloyd Oliva na umiskor ng 17 puntos, ang San Beda-Manila A Red Kittens, 77-72. Ito ang ikatlog panalo sa limang laro ng Red Robins sa Group B.