MGA ANAK KO! Napahagugol na lamang si Judith Pondal kasama ang dalawa niyang anak, sina Joshua at Jerome, nang malaman na hindi nakaligtas mula sa gumuhong lupa ang dalawa pa niyang anak na kinilalang sina Jude at Justin. Dahil sa matinding buhos ng ulan dulot ng bagyong ‘Maring’, lumambot ang lupa at natabunan ang bahay ng pamilya Pondal sa Bgy. Dolores Taytay Rizal. (MB photo | ALVIN KASIBAN)

Patay ang magkapatid na lalaki nang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa kasagsagan ng matinding buhos ng ulan dulot ng bagyong ‘Maring’ sa Taytay, Rizal, kahapon ng madaling araw.

Isinugod pa sa Taytay Emergency Hospital sina Jude, 17, at Justin Pondal, 14, ngunit dead on arrival na ang mga ito.

Samantala, nakaligtas naman ang magulang ng mga biktima na sina Jun at Judith at dalawa pa nilang kapatid na sina Joshua at Jerome na pawang nagtamo ng mga sugat, pilay at galos sa katawan.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Ayon kay Engr. Elmer Espiritu, head ng Taytay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), nahihimbing ang pamilya Pondal nang matabunan ng lupa ang kanilang bahay sa Hapay na Mangga, Barangay Dolores sa Taytay, dakong 4:00 ng madaling araw.

Agad namang rumesponde ang mga miyembro ng Barangay Dolores at Taytay Rescue Teams at iniahon ang mga natabunang biktima. - Mary Ann Santiago