Ni JEFFREY G. DAMICOG
Tinawag na ilegal ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta ang pagsasagawa ng Philippine National Police (PNP) ng DNA testing sa bangkay ng 14-anyos na si Reynaldo “Kulot” de Guzman.
At dahil ang PAO ang nag-represent sa magulang ni Kulot na sina Lina at Eddie, ipinagdiinan ni Acosta na dapat isinagawa ng PNP ang DNA testing sa harap ng PAO lawyers.
“The panel of PAO Lawyers handling the case of the murder of Reynaldo De Guzman is of the opinion that the taking of consent and DNA sample in the absence of PAO lawyers was illegal, and suspicious in that the body of Reynaldo De Guzman was positively identified by the family, the NBI (National Bureau of Investigation) and the CHR (Commission on Human Rights),” pahayag ni Acosta.
“There was no issue at all on the identity of the cadaver and that there are no other claimants,” dagdag niya.
Inilabas na ng PNP ang resulta ng DNA test at sinabing hindi bangkay ni Kulot ang narekober sa ilog sa Kinabayuhan sa Gapan City, Nueva Ecija noong Setyembre 5.
Sa kabila nito, sinabi ng PAO chief na walang aksiyong gagawin ang kanyang tanggapan upang pasinungalingan ang findings ng PNP.
“The PAO Forensic Lab therefore will take no further action on the DNA result released as it appears to be of very little credibility given the circumstances surrounding its release,” aniya.